Sunday, 21 February 2016

Biyaheng Ala Eh, San Juan Are! (Resorts & Recreations)

Kayo ga ay napapaibig pumarine sa San Juan, Batangas?  Aba'y kung OO, ay parine at ike iuuli sa palibot-libot dine hanggang sa ike maliyo, he he.

Seryosong usapan, ako ay si Rowena at dahil mahal ko ang aking bayang sinilangan - ang bayan ng San Juan, ay gusto kong ipakilala naman sa iyo ang aming kultura bukod sa alam mo ng punto namin na kung tawagin ay Ala Eh.... pero bago yun, may trivia ako sa iyo:

Paano mo malalaman na ang tren ay papalapit na sa Batangas?
Pag nasagot mo iyan, he he, patitikimin kita ng Gotong Baka namin dine sa Batangas


Napakasarap niyan, hindi kaparehas ng goto dyan sa Maynila, may kanin....

Are pong aming bayan, sa ngayon, ay talagang dinadayo na ng marami.  Gawa ng napakarami na ng napakagagandang resorts dine - La Luz Beach Resort, Calubcub Bay Resort, Alah Biga Beach Resort, at areng personal kong iminamarket na Justos Vineyard Beach Resort.  Kung kayo'y mahihirapang mag-book sa mga resort na iyan, ay puwede ninyo ako itext o tawagan sa 09995799309 or 09369243546. 

Mangyaring bisitahin po ang website ng Justos Vineyard Beach Resort kung ibig ninyong malaman ang itsura nare, napakasimple nga lamang po, aaminin ko pong kami ay nasa proseso pa ng pagpapaganda ng resort na are, yung gang magiging swak na swak sa inyong panglasa. 

Salamat po.


Wag nyo po kalimutan yung trivia ko ha. 




No comments:

Post a Comment